PLOKPLOKPLOK

ONCE YOU LIE TO HER AND SHE FINDS OUT:

screamm-your-heartout:

- she’s gonna wonder if you’ve been lying the whole time.

- she’s gonna wonder what else are you lying about.

- she’s no longer going to fully believe anything you say.

- she’s no longer going to fully trust you.

- good luck for winning her trust back.

May nagtext sa’kin. Nanalo daw ako ng 730,000 cash. 2nd prize blahblahblah. Rereplyan ko sana ng “Sige. Pakipasaload nalang ‘yan. Unti-untiin mo nalang ha.” Kaso lang wala akong load Hahaha

Anonymous asked: hi

Hello :)

Hindi ako nagsusulat para humakot ng followers o mangisda ng kung ano pa man dito. Nagsusulat ako para sa sarili ko. Kasi ‘yon ang trip ng buhay ko. Konti lang ang mga follower ko at sa numerong ‘yon mas konti pa din ang alam kong mga reader ko. Mabibilang lang siguro ng isa kong kamay. Nakakatuwa lang kasi pag alam mong may nagbabasa ng mga isinusulat mo, na may kahit isang tao lang na nagtiya-tiyagang basahin kung anuman ang mga nandito sa blog mo. At kung suswertihin ka, may reader kang hindi lang nagtiya-tiyagang magbasa kundi interesado talaga sila sa mga isinusulat mo. Kaya para sa mga nagbabasa/nagbasa sa blog ko, aksidente man o sadyang nakikibalita, salamat :)

Dati pag torpe ka at di mo kayang sabihin ng diretsahan yung gusto mo, idaan mo daw sa biro. Takte. Ayon. Hanggang sa nagbiruan nalang lahat. Puro nalang biro. Lahat na torpe? E ba’t nakikisali pa yung iba? Uso?

Ayawan na. Hindi na masaya.

Ayoko nang maging malungkot ulit. Ang hirap pala nun, yung palagi kang malungkot. Ang gusto ko palagi lang akong masaya o kung hindi man ako masaya sana yung tama lang. Basta ba hindi malungkot, yung hindi rin naman galit. Nakakapagod pala kasi yung pagiging malungkot no? Dati ang alam ko lang
na nakakapagod ay yung halos di ko na maibaba yung pisngi ko kakatawa.Yun pala nakakapagod din ang malungkot at masaktan. Madrama na ba? Korni na? Gusto ko lang magsulat ngayon para maipaalala ko sa sarili ko na di ko na dapat hinahayaan yung sarili ko na maging malungkot. Tamad ako sa mga gawain pero ngayon ko lang napagtanto na ang sipag ko pala sa damdamin. Ay sana di ako nag-rhyme. Hindi lang halata pero apektado ako sa halos lahat ng bagay. Madalas mukha lang akong walang pakialam pero minsan tinatamaan din ako ng kung ano-anong emosyon. Parang naiipon lang tapos biglang sumasabog. BOOM. Di mo na lang
mamamalayan na ang laki pala ng impact sa’yo ng mga nangyayari sa paligid mo.
Hindi ako malungkot ngayon. Naka-pokerface nga ako e. Neutral lang. Minsan ang sarap lang ng ganito. Lutang. Walang intense feelings. Sinipag pa akong magsulat.

Dahil binura ko yung unang title ng post na ‘to ito nalang ang magiging title.

Appreciation post ‘to. Sinusulat ko ‘to kasi naalala ako ni Celine. May picture ko pa talaga. Tenks ha! XD Kahit di ako nagpaparamdam takte may nakakaalala pa rin sa’kin. Salamat. Maraming Salamat lalong-lalo na dun sa mga babae sa buhay ko ;) Ay takte may favoritism na oh! Hahaha Salamat din siyempre sa mga lalaki sa buhay ko. Pero havey talaga yung mga nag-aabala pang puntahan ako dito sa bahay. Pero matagal na yata yung last time na pinuntahan nila ako. Ilang linggo na ba? Haay. E basta nakakatuwa pa din na may nakakaalala sa’kin. Si Tonette? Wag na ‘yon. Di naman ako naaalala nun Hahahaha Dyok lang Townettes :) Oy naaalala ako niyan ;) Nagtetext, nagt-ta, at nagpopost sa wall ko ‘yan. Kay John naman natuwa ako. Nakasama ako sa isa niyang post Hahahaha Akalain mo ‘yon, sa sobrang pagkamiss niya sa’kin napanaginipan niya pa ‘ko XD Pero sigurado akong weirdo yung panaginip niya. (Ghaad. Ano kaya ‘yon?) Ako naman ‘tong nagkaroon ng weirdong panaginip tungkol kay Ian, na hindi nagpaparamdam dahil baka naging si sleeping beauty na siya. Hahahahahahahahaha Ang weirdo talaga ng panaginip ko nun pero hindi siya si sleeping beauty dun. Sinabi ko lang na baka si sleeping beauty na siya kasi di siya nagpaparamdam. Natatawa ako pag naaalala ko Hahaha May mas weirdo pa pala akong panaginip! Kasama ko si Anna! Hahaha Hoy Anna. Magparamdam ka na ulit. Ikukwento ko sa’yo yung panaginip ko. Sabi nila pag naaalala mo pa daw yung panaginip mo ibig sabihin special ‘yon. So special dreams are special :))))))

misscelinethegreat:

Bored ako. Nakita ko profile niya sa FB kaya inistalk ko profile niya. HAHAHA. :)))) Nakita ko pa yung mga ‘CESS q’ HAHAHAHAHHA Sorry na :))))
Bakit parang gusto ko ding maiyak nung nakita ko ‘to? HAHAHA Alam ko na kung anong naramdaman ng kapatid mo nung nakita ka niyang ganito. HAHAHA. Gusto din kitang makita na nakaganto. You’re sooooo pretty :))))))) Ang ganda ganda mo talaga ditooo. Hahaha. I miss youuuu! :*

Srsly? -_-” Ang pangit. Pero dahil nagagandahan ka diyan Cel, sige nalang Hahahaha Salamat! Nilike pa ni Tonette XD Takte. Make-up -_-” Mas maganda nga pala ako nung 3rd yr JS baka gusto mo ding makita! Hahahahahahahahahahahahahaha ASDGHJKL. Ang humble ko naman :”> XD <33333 Salamat dito, Cel. Buti nalang nabobored ka no? Napapatambay ka tuloy sa profile ko LOL. :) <3

misscelinethegreat:

Bored ako. Nakita ko profile niya sa FB kaya inistalk ko profile niya. HAHAHA. :)))) Nakita ko pa yung mga ‘CESS q’ HAHAHAHAHHA Sorry na :))))

Bakit parang gusto ko ding maiyak nung nakita ko ‘to? HAHAHA Alam ko na kung anong naramdaman ng kapatid mo nung nakita ka niyang ganito. HAHAHA. Gusto din kitang makita na nakaganto. You’re sooooo pretty :))))))) Ang ganda ganda mo talaga ditooo. Hahaha. I miss youuuu! :*

Srsly? -_-” Ang pangit. Pero dahil nagagandahan ka diyan Cel, sige nalang Hahahaha Salamat! Nilike pa ni Tonette XD Takte. Make-up -_-” Mas maganda nga pala ako nung 3rd yr JS baka gusto mo ding makita! Hahahahahahahahahahahahahaha ASDGHJKL. Ang humble ko naman :”> XD <33333 Salamat dito, Cel. Buti nalang nabobored ka no? Napapatambay ka tuloy sa profile ko LOL. :) <3

Pag di ako nakapag-enroll bago ang May 15, katapusan ko na.

Hahahahahaha Wala akong allowance pag di ako nakapag-enroll bago mag-May 15! Ba’t naman kasi may deadline pa sa scholarship na ‘yan -_-” Sayang ang 10k. Pag di ko nakuha yung allowance ko this time, 20k na ang masasayang ko. Ghaad. Hindi ko naman kasalanan na wala pang announcement ng enrollment sa school namin diba. Yung allowance na hindi nakarating sa’kin last time sa’n na napunta? Naibulsa na nino? Kung sino-sino na ang nakikinabang sa pera ng mga iskolar ng bayan. Hahahahahahaha Kfly. 

Ang gulo.

Yung pakiramdam na sobrang takot ka na mawala sa’yo yung tao. Hindi mo na alam kung pa’no siya hahawakan. Sobrang higpit ba o nakabukas na palad nalang? Kaso lang nakakatakot pa rin kahit ano ang piliin mo. Kapag sobrang higpit, may tsansang masakal siya hanggang sa siya na ang magpumilit na lumayo. Kapag binuksan mo naman yung palad mo, nakakatakot na baka isipin niyang di siya mahalaga sa’yo, na baka hindi mo siya gaanong mahal. Pero ang totoo, halos araw-araw mong iniisip kung pa’no mo siya mapapanatili sa buhay mo. E teka, pwede namang tamang hawak lang diba? Kaso lang ang hirap gawin. Sobrang takot ka na mawala siya kaya di mo na magawa yung tama. Hindi mo na alam kung pa’no magpakanatural. Alam mo kung ano ang dapat gawin kaso lang hindi mo magawa. Paralisado ka ng takot e. Hindi lang naman kasi ikaw ang magdedesisyon kung mananatili ba siya sa buhay mo o hindi dahil kahit ano’ng gawin mo at kahit na habambuhay mo pa siyang gustong alagaan, siya pa rin ang pipili kung gaano siya katagal tatambay sa kwento ng buhay mo.  Alam mo yung pakiramdam na sa sobrang takot mo na mawala siya, hindi mo na namamalayan na unti-unti na pala siyang bumibitaw sa’yo. Minsan masakit ding maramdaman na habang mahal na mahal mo siya, hindi niya sinasadyang maipakita sa’yo na wala siyang pakialam. Kaya nga minsan pag nasasaktan tayo pinipili nalang natin na wag nalang ipakita sa taong ‘yon na importante siya. Worse? Pinipilit mo yung sarili mo na kalimutan at mawala nalang yung sobrang pagpapahalaga mo sa kanya. Worst? Magaspang na ang pakikitungo mo sa kanya para maipakita mong wala ka ng pakialam at mapilit mo yung sarili mong wag nang makialam. Mahal na mahal mo nga kaso lang nasasaktan ka naman. Nakakatanga lang no? Pwede mong isipin na, “Mahal mo nga e! Kahit nasasaktan ka dapat kayanin mo!”. Kaso lang pa’no mo siya mamahalin ng tama kung hindi mo kayang mahalin ng tama yung sarili mo? May punto ba ako? Ang alam ko kasi ang pagmamahal nagsisimula sa sarili.

I like “clingy” people.

I love it when people are affectionate with me. I like when they always invite me places, or text me, or call me, I wouldn’t even mind if they blew up my fb wall with hearts and what’s not. I would rather have that person than someone who makes me text them first all the time and replies back like 10 hours later.

(Source: captainminimimi, via adelisaghem)

Dear people who question why girls go to the bathroom together

middle-east-beast:

Hermione went alone and got attacked by a troll

(via missredaholic)

Summer has painted boredom all over our house.
Word Tumblr Themes